BEIJING (Reuters) — Nagpahayag ng galit ang China noong Lunes matapos isang grupo ng mga nagpoprotestang Pilipino ang dumating sa isang isla na hawak ng Pilipinas sa pinagtatalunang West Philippine Sea (South China Sea).

Halos 50 nagpoprotesta, karamihan ay mga estudyante, ang nakarating sa Pagasa island (Thitu island) sa kapuluan ng Spratly noong Sabado upang manindigan sa tinawag nilang creeping invasion ng Beijing sa exclusive economic zone ng Pilipinas, sinabi ni Eugenio Bito-onon, ang mayor ng munisipalidad ng Kalayaan sa nasabing isla.

Ang China ay “strongly dissatisfied” sa ginawa ng mga Pilipino, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lu Kang, muling idiniin na ang China ay mayroong indisputable sovereignty sa kapuluan ng Spratly.

“We once again urge the Philippines to withdraw all its personnel and facilities from the islands that it is illegally occupying, refrain from actions that are detrimental to regional peace and stability and not conducive to Sino-Philippines relations,” ani Lu.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Inilarawan ang kanilang expedition na “patriotic voyage”, binabalak ng mga nagpoprotesta, sa pangunguna ni dating Marine captain Nicanor Faeldon, na ilang araw na magkampo sa isla sa isang symbolic act of defiance.

Sinikap ng gobyerno at ng mga opisyal ng militar na pigilan ang grupo sa pagbiyahe patungo sa isla sa pinagtatalunang karagatan, binanggit ang security at safety reasons matapos ang bagyo nitong unang bahagi ng buwan.

Nababahala rin ang Pilipinas sa reaksyon ng China sa biyahe habang sinisikap ng Manila na pakalmahin ang tensyon na pinainit ng Beijing sa pagtatayo ng pitong artipisyal na isla sa pinagtatalunang karagatan.

Hinamon ng Pilipinas ang China sa arbitration court sa The Hague, isang kaso na hindi kinilala ng Beijing.