Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell at Petron nitong Martes ng umaga.

Sa anunsyo ng Shell at Petron, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Disyembre 29, nagbawas ng 60 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina,40 sentimos sa kerosene at 20 sentimos sa diesel.

Asahan ang pagsunod ng ibang kumpanya sa kaparehong bawas presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong bawas-presyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Noong Disyembre 22 ay nagtapyas ang oil companies ng P1.75 sa presyo ng diesel at P1.20 sa kerosene kasabay ng dagdag na 10 sentimos sa gasolina. (Bella Gamotea)