Alden at pamilya copy

PAREHONG nakabakasyon ang Phenomenal Love Team nina Alden Richards at Maine Mendoza simula noong araw ng Pasko na opening day din ng first movie nila together, ang My Bebe Love kaya doon nila tinanggap ang magandang balita na blockbuster ang first day showing ng movie nila with Vic Sotto at Ai Ai delas Alas. Umalis si Maine ng Pilipinas noong December 23 papuntang Japan kasama ang kanyang buong pamilya (ang parents niya at mga kapatid, brother-in-law at ang first apo sa kanilang pamilya, si Baby Matti na anak ng older sister niya), pagkatapos niyang sumama sa Parade of Stars. Ten days sila roon.

Mukhang fashionista si Maine sa pagrampa niya sa iba’t ibang lugar na pinuntahan nila sa Japan. Si Alden naman after ng Parade of Stars, may show pa siya sa TDK sa Sta. Rosa, Laguna, at diretso nang umuwi sa bago nilang bahay. Doon na sila nag-stay hanggang Christmas Eve, bago sila pumunta sa isang private beach resort in Batangas, kasama si Daddy Bae, brother at sister niya, lolo at lola, with some cousins.

In-enjoy ni Alden doon ang sun, wind and water. Nakahuli pa sila roon ng dad niya ng baby pugita. Much needed-rest ito para kina Alden at Maine, lalo na si Alden, na simula yata nang pumasok sa Eat Bulaga, halos walang araw na walang trabaho at promotion, out-of-town shows, recording ng album, bukod pa sa pagrereport niya araw-araw sa noontime show at sa kalyeserye at nadagdagan pa ito ng mga shoot ng TV commercials, solo man o magkasama sila ni Maine.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Si Maine naman simula nang pumasok sa Eat Bulaga noong July 16, halos wala ring bakanteng araw pero madalang pa ang kanyang show kumpara kay Alden, lalo na noong hindi pa sila puwedeng magsama sa isang show dahil naka-split-screen pa nga lamang sila sa EB. Then pumasok na ang shooting niya ng TV commercial, at ang shooting ng first movie nila together.

Bago pa mag-showing ang My Bebe Love, marami nang negative messages na natatanggap sina Alden at Maine sa Twitter, like hindi sila magta-top grosser dahil proven na ang lakas sa takilya ng mga kasabayan nilang pelikula sa festival. Pero determinado ang AlDub Nation fans nila, na ginawa ang lahat para patunayan na sila nga ang phenomenal love team.

Nagawa nga nilang punuin ang 55-thousand seater na Philippine Arena, nalampasan nila ang highest Twitter record na 36 million sa “Tamang Panahon” ng Eat Bulaga, nakapag-tweet sila ng 41 million plus. Para masiguro rin ng AlDub Nation na sila ang magiging blockbuster, first day showing pa lamang ay may mga block screenings na sila as early as 7:00 AM sa mga sinehan sa iba’t ibang lugar. Nasulat na nga ang tungkol sa ticket swappings na hindi naman siguro nila ipakikita kung hindi nangyari. 

May nagsabi pang paano raw masasabing na-swap ang ticket kung ang ipinakitang tiket ay buo pa kung nakapanood na.

Paano nga hindi buo, at hindi pa nakakapasok sa sine ang may-ari at nagrereklamo nga siya sa ticket counter na mali ang ibinigay na tiket sa kanya.

Nasundan pa ito sa Gabi ng Parangal, nang tumanggap ng tatlong awards ang My Bebe Love, si Maine ang nanalong best supporting actress ganoong hindi raw naman mahusay umarte. Kaya nang makarating ang tweet kay Maine sa Japan, siya na mismo ang nang-bash sa sarili niya ng, “Bakit ako? Pero marami pong salamat at magandang umaga sa inyo.” Nanalo rin ng dalawang best picture award ang movie nila -- ang 3rd Festival Best Picture at ang Gat Antonio J. Villegas Cultural Award. Ano raw ba ang moral values na ipinakita sa movie nila? Bakit naman hindi ay minahal nga ng mga manonood ng kalyeserye nila sa Eat Bulaga ang mga moral values and traditions na ipinakikita nila araw-araw.

Tinanggap namang lahat ang comments na iyon nina Alden at Maine, dahil you can not please everybody naman talaga. 

Ang official figures na lamang siyempre na iri-release ng MMFF ang makapagsasabi kung sino talaga ang number one sa walong pelikulang ipinapalabas. Samantala, back to work na si Alden nitong December 28, sa kanyang dalawang TV commercial shoots. Sa December 31, pangungunahan ni Alden ang Countdown to 2016 ng GMA Network na gaganapin sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia at 11:00 AM. Nakiusap naman si Maine sa family niya na umuwi na sila ng January 1, para makasama na siya sa birthday celebration ni Alden sa Eat Bulaga. (NORA CALDERON)