Kahit na ang presensiya ng bagong trainer ni Timothy Bradley Jr., ay hindi magbibigay ng puwersa upang tapusin at talunin nito sa ikatlong pagkakataon si Filipino boxing icon Manny Pacquiao, ito ang naging pahayag ng tiyuhin ni Floyd Mayweather Jr.

Si Bradley, ang kasalukuyang WBO welterweight champion, ay nangunguna sa pinagpipiliang huling makakalaban ni Pacquiao sa Abril 9, 2016, dahil sa impresibo nitong laban na ikinatalo ni Brandon Rios sa una nitong pagdepensa noong Nobyembre 7.

Si Bradley ay dalawang beses ng nilabanan ni Pacquiao- ang kontrobersyal na laban nila nang talunin nito si Pacquiao noong Hunyo 2012, at nang matalo siya ni Pacquiao sa isinagawang rematch noong Abril 2014. nagawa naman nitong talunin sina Diego Gabriel Chavez at Jessie Vargas at mismong si Rios, kung kaya’t nakuha muli nito ang kampeonato.

Kinuha rin ni Bradley bilang bagong coach si Teddy Atlas, kung saan pinalitan nito ang long-time trainer niya na si Joel Diaz, na siyang nasa sulok at nasaksihan ang dalawang laban nito kay Pacquiao.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, iginiit ni Jeff Mayweather, na wala namang malaking pagbabago kahit na kumuha pa ito ng bagong coach at labanan si Pacquiao sa susunod na taon.

“I don’t think so,” ang direktang sabi ni Mayweather nang tanungin ito ng On the Ropes Boxing kung may naiba ba sa pagkuha ni Bradley kay Atlas bilang bagong coach. “I thought he (Bradley) got beat both times, and he got beat fairly easy both times.”

Ipinaliwanag ni Mayweather na hindi naman ang kapabilidad ni Atlas ang isyu rito kundi ang bilang ng danyos na nakamit ni Bradley nang labanan nito si Pacquiao noong huli.

“I don’t think that Teddy Atlas – or anyone else – can help him win,” dagdag pa nito. “He may do a little better, but at the end of the day, Tim’s been in a lot of wars since the last time they fought.”

“He may have more wear and tear on him than Pacquiao does,” sabi pa ni Mayweather.

Sa kanyang unang laban matapos na talunin ni Bradley si Pacquiao, naidepensa nito ang kanyang titulo sa isang madugong laban kay Ruslan Provodnikov ng Russia kung saan kinilala ito ng The Ring Magazine bilang Fight of the Year noong 2013. Tinalo rin ni

Bradley si “Siberian Rock.”

Nilabanan ni Bradley sina Juan Miguel Marquez at Jessie Vargas, bago pa ang delikadong laban nila ni Rios noong Nobyembre.

Si Pacquiao naman ay karerekober pa lamang mula sa operasyon nito sa kanang balikat na nagbunsod upang malimitahan siya sa kanyang laban kay Floyd Mayweather Jr., noong Mayo 2015.

Inamin ni Mayweather na pabor pa rin siya na ang kanyang pamangkin ang makalaban ni Pacquiao kesa kay Bradley.

“I think that we’ll see almost the exact same thing,” ang pahayag pa ni Mayweather. “I don’t think that Teddy Atlas is going to make him win.”

“He probably won’t even make him look much better.” (Abs-Cbn Sports)