nuggets_JPEG  (page 15 banner photo) copy

Sinandigan ng Oklahoma City Thunder ang 6-foot-11 na si Enes Kanter upang baguhin ang dikta ng laro sa kanyang pagdodomina sa krusyal na yugto at biguin ang Denver Nuggets, Linggo ng umaga, 122-112.

Tinagurian ng kakamping si Kevin Durant bilang isang ‘’under-the-rim player”, tila isang kumpletong armada na dinomina ni Kanter ang nakatapat na Nuggets.

Itinala ni Kanter, na siyang back-up center ng Oklahoma City, ang 11 sa kanyang 21- puntos matapos ipasok sa loob lamang ng limang minuto kung saan nagawa nito ang dalawang matinding slamdunk at ibigay sa Thunder ang control at tiyempo tungo sa ika-21 panalo kontra 11 talo ng koponan.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

‘’I just want to help my team win,’’ sabi ni Kanter. ‘’It doesn’t matter, off the bench, play one minute or 48. When I’m out there, coach tells me to bring energy and just go after rebounds and I’m just trying to do that.’’

Nag-ambag si Russel Westbrook ng 30-puntos, 12 assist at siyam na rebound, na kinulang ng isa para itala ang kanyang ikaapat na triple-double ngayong season, kung saan naghabol ang Thunder mula sa 11-puntos pagkaiwan sa ikalawang hati ng laro.

Itinala ni Durant ang kanyang ikawalong double-double sa season na iniambag na 26- puntos at 10 assist para sa Thunder, na napanalunan ang kanilang ika-10 sa nakalipas na 12 laban bagaman sariwa pa sa kabiguan sa mismong araw ng Kapaskuhan sa homecourt sa Chicago Bulls.

Itinala ng Oklahoma City ang season-best 57.8 percent mula sa field sa laro kung saan bagaman naghabol ito sa huling 8:13 marka ng ikaapat na yugto bago inagaw ang abante sa paghulog ng 11-2 run.

Ang tip-in ni Kanter mula sa sablay ni Serge Ibaka ang nagbigay sa Thunder sa abante sa 98-97, 7:50 natitira.

Nakakuha pa si Kanter ng pasa kay Westbrook upang idunk nito kontra sa 6-foot-10 na si Nikola Jokic kasama ang foul bago kinumpelo ang 3-point play.

‘’Kanter was their MVP tonight,’’ sabi ni Nuggets coach Michael Malone. ‘’He dominated us. Every time we play this team, he dominates us. We just have to get in the weight room and get a little bit stronger.’’ (ANGIE OREDO)