BORACAY ISLAND – Posibleng ano mang araw ay ideklara ang state of calamity sa Barangay Manoc Manoc sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

Ayon kay Malay Vice Mayor Wilbec Gelito, hinihintay na lang ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pinal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) para maging basehan sa pagdedeklara nito.

Base sa inisyal na report ng BFP-Boracay umabot sa P10 milyon ang kagamitang napinsala ng sunog sa bisperas ng Pasko at 10 ang iniulat na sugatan.

Ayon kay Gelito, tumagal nang halos apat na oras ang sunog dahil sa kakulangan ng supply ng tubig ng mga bombero.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Faulty electrical connection ang itinuturong sanhi ng sunog sa isla. (Jun N. Aguirre)