Yap_JPEG (page 15 photo for story2) copy copy

Naitala ni Filipino super flyweight Mark John Yap ang ikaapat na sunod na panalo sa Japan matapos talunin sa 8-round unanimous decision si four-time world title challenger Hiroyuki Hitasaka nitong Disyembre 26 sa Abeno Ward Center sa Osaka sa nasabing bansa.

Naging agresibo sa kabuuan ng laban si Yap sa pamamagitan ng matatalas na kanan kaya nagwagi sa scorecards ng tatlong huradong Hapones sa 79-73, 78-73 at 77-74.

Sa kanyang huling apat na laban, pinalasap ng unang pagkatalo ng tubong Cagayan de Oro City na si Yap si Tatsuya Ikemizu (UD 8) bago na-upset sina dating WBA minimumweight champion Juan Jose Landaeta ng Venezuela (UD 8) at Shun Ishibasi (UD 8) sa mga labang ginawa sa Osaka at Hyogo, Japan nitong 2015.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa pagwawagi, nabawi niya ang pagkatalo ng kababayang sina Lloyd Jardeliza kay Shun Kubo via 5th round knockout para sa bakanteng OPBF super flyweight title at world rated Renan Trongco kay Yuki Yonaha sa puntos nitong Disyembre 26 sa Central Gym, Kobe, Hyogo, Japan. (Gilbert Espeña)