Ang top scorer ng NBA team na si Eric Bledsoe ng Phoenix Suns ay nakatakdang operahan dahil sa knee injury, ito ang inanunsiyo ng koponan noong Linggo.

Si Bledsoe ay nagkaroon ng injury noong Sabado makaraang makalaban ng koponan ang Philadelphia 76ers kung saan tinalo sila nito. Ang pagkatalo ng Suns sa 76ers ay sinasabing nakakahiyang pagkatalo dahil isang beses pa lang na nananalo ang 76ers sa season na ito.

Inihayag ng Suns na ang operasyon ay gaganapin sa Martes (Miyerkules sa Pilipinas) at wala pa rin umanong kasiguruhan kung kelan makababalik si Bledsoe sa paglalaro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Lubhang makaaapekto sa Suns ang pagkawala ni Bledsoe na nakapagtala ng average 20.4-puntos at 6.1 assist sa 31 games ngayong season.

Lumabas ang balita tungkol kay Bledsoe kasabay ng isyu na delikado ang trabaho ni Suns coach Jeff Hornacek.

Inilarawan ni Hornacek ang pagkatalo ng Suns sa 76ers bilang isang “low point” para sa isang koponan sa gitna ng 5-15 stretch.

“Now the confidence is lacking,” ani Hornacek. (Agence France-Presse)