Inanunsyo ng National Museum of the Philippines ang bagong batch ng cultural properties na isasama bilang “Important Cultural Properties” at “National Cultural Treasures” matapos ang mga masusing pananaliksik, rekomendasyon, at petisyon sa kabuuan ng 2015.

Upang maideklarang Important Cultural Property, kailangang taglay ng isang lupain ang “exceptional cultural, artistic and/or historical significance.” Ang pinakamataas na designation bilang National Cultural Treasure ay iginagawad lamang sa mga mayroong “unique cultural property found locally, possessing outstanding historical, cultural, artistic and/or scientific value which is highly significant and important to the country and nation.”

Ang mga pinangalanang bagong National Cultural Treasures ay ang: Alcaiceria de San Fernando sa Binondo, Manila, ngayon ay 1762 marker sa collection ng National Museum sa Manila; “Maradika”, ang Qu’ran of Bayang sa Lanao del Sur, ngayon ay nasa collection na rin ng museum; International Rice Research Institute Series ng National Artist na si Vicente Manansala, ipinahiram sa museum; Cementerio Municipal de Manila y Capilla de San Pancracio, kilala bilang Paco Park, sa Paco, Manila; mga Watchtower ng Illocos Sur, ang nasa Santiago sa Barangay Sabangan, San Esteban sa Barangay Bateria, Narvacan sa Barangay Sulvec, at ang Belfry ng Church of San Agustin sa Bantay; mga Watchtower ng Ilocos Norte, binubuo ng mga Watchtower ng Badoc sa Barangay Lingasy, North Watchtower ng Currimao sa Barangay Poblacion Uno, South Watchtower ng Currimao sa Barangay Torre, Watchtower-Belfry ng Church of San Guillermo Ermitaño sa Laoag, Watchtower ng Bacarra sa Barangay Natba, at Watchtower ng Pasuquin sa Barangay Puyupuyan; Dampol Bridge sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya, isang mahalagang bahagi ng Church complex ng San Vicente Ferrer, na idineklara ring National Cultural Treasure noong 2003. Sa kabuuan ito ay kikilaninin bilang San Vicente Ferrer Church Complex and Dampol Bridge of Dupax de Sur National Cultural Treasure; Minor Basilica and Church Complex ng Nuestra Señora del Santisimo Rosario sa Manaoag, Pangasinan, kabilang na ang pigura ni Blessed Virgin Mary; Sacred Art ng Parish Church of Santiago Apostol sa Paete, Laguna; Ruins ng Cagsawa Church sa Daraga, Albay; at ang Roman Catholic Cemetery ng San Joaquin, Iloilo, isang mahalagang bahagi ng Church complex ng San Joaquin, idineklarang National Cultural Treasure noong 2003. Sa kabuuan ito ay kikilalaning San Joaquin Church Complex and Camposanto of San Joaquin National Cultural Treasure.

Samantala, ang mga landmark na binansagang Important Cultural Properties ay ang: Gusali ng Philippine Center for Population and Development ng National Artist na si Leandro V. Locsin sa Taguig City; Church complex ng San Bartolome, Malabon City; Cariño House sa Candon City, Ilocos Sur; Church complex ng San Nicolas de Tolentino, kabilang na ang Santa Rosa Academy (convento) at ang road-side via crucis structures sa San Nicolas, Ilocos Norte; Gusali ng San Nicolas Central School sa Ilocos Norte; Municipal Hall ng San Nicolas, Ilocos Norte; Valdez-Lardizabal House sa San Nicolas, Ilocos Norte; Nagrebcan Archaeological Site sa San Nicolas, Ilocos Norte; Callao Cave Complex, Peñablanca, Cagayan Valley; Santa Maria bridge, Sitio Tanibong, Aritao-Quirino Road, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya; Colegio del Santisimo Rosario Ruins, Dominican Hill, Baguio City; Laperal House sa Baguio City; Peredo’s Lodging House, Baguio City; Church Complex ng Santo Rosario sa Angeles City, Pampanga; Angel Pantaleon de Miranda House sa Angeles City, Pampanga; Patricia Mercado-Gomes Masnou House sa Angeles City, Pampanga; Juan Nepomuceno Camalig sa Angeles City, Pampanga; Jose Pedro Henson y Leon Santos Deposito sa Angeles City, Pampanga; Ciriaco de Miranda House sa Angeles City, Pampanga; Mariano Lacson House sa Angeles City, Pampanga; Rafael Yutuc, Sr. House sa Angeles City, Pampanga; Municipal Hall ng Guagua, Pampanga; Church Complex ng Immaculada Concepcion sa Guagua, Pampanga; Church Complex ng San Bartolome sa Magalang, Pampanga; Municipal Hall ng Magalang, Pampanga; Municipal Hall ng Lubao, Pampanga; Old Municipal Hall, ngayon ay Baliuag Museum and Library, sa Baliuag, Bulacan; Barit bridge sa Barangay Santiago, Iriga City, Camarines Sur; Acanceña House, kilala bilang Camiña Balay na Bato, sa Arevalo, Iloilo City; Lizares-Gamboa Mansion sa Jaro, Iloilo City; Sornito House sa Santa Barbara, Iloilo; at Chapel ng Saint Joseph the Worker sa Victorias, Negros Occidental.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga nabanggit na propyedad ay isasailalim na ngayon sa protection, preservation, at promotion ng pambansang pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensiya gaya ng National Museum, National Commission for Culture and the Arts, at ng National Historical Commission of the Philippines, at iba pa. (Ces Dimalanta)