Nakatakdang buksan ang Millennium Basketball League (MBL) sa Enero sa pamamagitan ng pagdaraos ng MBL First Conference basketball championship na gaganapin sa Rizal Coliseum.

Ang pagbubukas ng MBL ay bunsod sa matagumpay na 15-taong kanilang pagkatatag.

Ang torneo na magsisilbing panimulang handog ng liga para sa 2016 at lalahukan ng mga piling commercial at collegiate teams sa bansa.

Ayon kay MBL chairman Alex Wang, ipagpapatuloy ng liga ang nasimulang pagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalarong may kakayahan pang maglaro ng basketball gayundin sa mga kabataang manlalaro na naghahangad namang makalaro sa malalaking liga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The MBL which was established in 2000, continues to be successful because of its role of providing a venue for both experienced and aspiring players to showcase their God-given talent in basketball,”ani Wang.

“The MBL will continue to be here because of this love for basketball,” dagdag nito.

Kabilang sa mga koponang inaasahang lalahok sa liga ay ang defending champion Gerry’s Grill-Diliman College at runner-up Wang’s Ballclub-AMA University, ang Don Mariano Garing Cup champion Macway Travel Club at dating MBL champion Hobe Bihon.

Inimbita naman upang lumahok ang V Hotel- University of Santo Tomas, Franzie Cologne, Arellano University, Naughty Needlez-Philippine Christian University, Fly Dragon, Team Panda, Lyceum of the Philippines, Centro Escolar University, De Ocampo Memorial College, Polytechnic University of the Philippines, St. Clare College-Caloocan, Fatima University, at Colegio de San Lorenzo.

Magkakaroon ng single-round elimination format ang liga kung saan ang dalawang mangungunang team ay awtomatikong uusad ng semifinals at may twice-to-beat advantages.

Maghaharap naman sa knockout matches ang No. 3 at No. 6 squad at ang No.4 kontra No. 5 squad. (Marivic Awitan)