Marquez_JPEG (story 2 photo) copy copy

Inamin ni Mexican four division world champion Juan Manuel Marquez na hindi niya matanggap ang dalawang pagkatalo at isang tabla kay Manny Pacquiao kaya’t pinilit niyang manalo sa pamamagitan ng knockout sa ikaapat na laban sa Filipino boxing icon noong Disyembre 8, 2012 sa Las Vegas, Nevada.

Bagaman may bahid ng pagdududa na gumamit si Marquez ng performance enhancing drugs (PEDs) sa tulong ng kontrobersiyal na kababayang si Memo Heredia, masaya siya dahil magreretirong taglay ang panalo sa kontrapelong si Pacquiao.

“I am a person who never likes to lose, and that helped me to keep going. I am a passionate person when it comes to the sport,” diin ni Marquez kay boxing reporter Miguel Rivera ng BoxingScene.com.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nilinaw din ni Marquez na sobrang sakripisyo ang ginawa niya sa pagsasanay laban kay Pacquiao at hindi madali ang mga ginawa niya sa training camps.

“In training I stop seeing my family. I do my training on a mountain,” ani Marquez. “I feel like I’m always at home [in training like that], but focused on what I have to do, and family practically does not exist for me in that span of time. I completely isolate myself.”

May kartadang 56-7-1 win-loss-draw na may 40 pagwawagi sa knockouts, hindi pa nagreretiro sa boksing si Marquez at huli siyang lumaban nang talunin ang Amerikanong si ex-WBO interim super lightweight champion Mike Alvarado sa puntos noong Mayo 17, 2014 sanhi ng pinsala sa kanyang kanang tuhod.

Naniniwala rin si Marquez na aangat ang kababayan niyang si WBC middleweight champion Saul “Canelo” Alvarez bilang No. 1 boxer sa buong mundo matapos silang magretiro ni Pacquiao at tatalunin nito si IBO/WBA/IBF middleweight beltholder Gennady “GGG” Golovkin ng Kazakhstan.

“From what I saw of Canelo Alvarez, he is capable of giving Golovkin a great fight, a fight where [Canelo] could end up winning on points,” dagdag ni Marquez. (Gilbert Espeña)