DUMATING sa Manila ang legendary singer na si Jack Jones nitong Linggo para sa dalawang special show. Magtatanghal siya ng year-ender concert sa Kia Theatre ngayong gabi (Martes, December 29) at sa Novotel Manila, Araneta Center bukas (December 30, Wednesday), 8 P.M., produced ng ManCo Productions, Inc. at Royale Chimes Concerts & Events Inc. sa pakikipagtulungan ng Echo Jham Productions.
Pinamagatang Jack Jones Sings Songs From The Heart, itatampok sa concert ang ilan sa greatest hits ng Total Entertainer pati na ang mga awitin sa kanyang bagong album na Seriously Frank, na tribute sa great singer na si Frank Sinatra na itinaon ang release sa 100th birthday nito.
“It’s always a pleasure performing in the Philippines because a lot of Filipinos are serious music lovers,” pahayag ni Jack Jones. “Philippines is a country very close to my heart. I didn’t have second thoughts on leaving the U.S. on Christmas Day just to get to Manila in time for the concert dates,” dagdag pa niya. Itatampok din sa concert ang Kilyawan Consortium of Voices, ang Asia’s Got Talent 2nd Runner Up na si Gerphil Flores at si Jose Mari Chan.
Parehong kinikilalang music icons sina Jack Jones at Jose Mari na matagal nang magkaibigan. Nagpasya silang magbigay ng special treat sa kanilang Filipino fans kaya magkakaroon sila ng duet na hindi pa nila nagagawa. Samntala, magkakaroon naman ng privilege si Gerphil na umawit ng Please Be Careful With My Heart with Jose Mari.
Si Jack Jones ay may dalawang beses na pinarangal sa Grammy for Best Pop Male Vocal Performance para sa kanyang singles na Lollipops and Roses at Wives and Lovers. Ang kanyang Jack Jones Paints A Tribute To Tony Bennett ay naging nominado for Best Traditional Pop Vocal Performance. Nominated din siya para sa The Impossible Dream at ang kanyang recording ng Wives and Lovers ay nominated naman para sa Record of the Year. Ilan lamang sa hit records niya ang The Race Is On, Lady, Call Me Irresponsible, Love Boat, What I Did For Love. Noong April 1989, nagkaroon siya ng sariling star sa Hollywood Walk of Fame.
Susuportahan ng year-ender concert sa Manila ni Jack Jones ang Kaagapay ng Tagaligtas, Inc., isang non-stock, non-profit organization na lumilikom ng pondo at nagsasagawa ng mga programa para sa mga naulila at dependents ng Forty-Four (44) Special Action Force personnel (SAF 44) na namatay sa anti-terrorist operations sa Mamasapano, Maguindanao. Ang bahagi ng proceeds ay ipagkakaloob sa naturang organisasyon.
Ang Jack Jones Sings Songs From The Heart ay sponsored ng Novotel Manila Araneta Center (official residence), Banco de Oro, Mango Tree, Inyaki Yuson Hair and Make Up Styling, The Philippine Star, RJ 100.3 FM, 106.7 Energy FM, Pinas FM 95.5, DWWW 774, Retro 105.9 DCG FM, ClickTheCity.com, Pep.PH, Rappler.com, GIST.ph, WhenInManila.com, LionHearTV, Inquirer.net, Philstar.com, MNL Online, MB.com.ph, 8list.ph, Manila Concert Scene, SoundCheckMNL, Philippine Concerts, Legato Music Mag, Astroplus and Odyssey Music.
Available ang tickets sa Ticketnet box office at online. Maaaring bisitahin ang official Facebook page ng concert, ang Jack Jones Manila 2015.