IBINUHOS ni Angelica Panganiban ang sama ng loob sa mga namumuno sa Metro Manila Film Festival dahil sa pagkaka-disqualify ng pelikulang Honor Thy Father sa Best Picture category.
Pahayag ng girfriend ni John Lloyd Cruz, bida sa naturang pelikula, heartbreaking para sa kanya ang naging decision ng MMFF executive committee na huwag isali sa pilian ng Best Picture ang Honor Thy Father, dahil umano sa technicality noong isali ito sa Cinema One Originals.
May regulasyon daw ang MMFF na kapag isinali na isang filmfest ang isang movie at muling isinali sa MMFF competition, mawawalan ito ng pagkakataon na mapabilang sa pilian ng Best Picture.
Ipinahayag ni Angelica sa pamamagitan ng Instagram post na nalulungkot siya sa kinahinatnan ng Honor Thy Father sa awards night. Nanawagan din siya na patuloy pa ring panoorin ang Honor Thy Father dahil palabas pa rin naman ito sa mga sinehan.
“Patuloy lang kayo manood ng #honorthyfather palabas pa din. Hindi siya tinanggal sa cinemas... Sa best picture category lang, sa awarding ceremony. Nasa’n ang hustisya? Pero, dahil Pasko, bawal ang nega!! Ganu’n talaga, eh.
Kibit-balikat at mag-move on na lang. Nood kayo ‘pag may time at kapag walang time, bigyan natin ng halaga, katulad ng ginawa ng mga bumuo ng pelikulang ito,” sey ng girlfriend ni John Lloyd.
Kami ma’y umaasa na makatulong ang nasabing isyu para maging aware ang mga tao sa John Lloyd-Matti film kung bakit ito ora-oradang ipina-disqualify. (Ador Saluta)