WALA pa ring mintis ang British Invasion hanggang ngayong 2015, matapos na mamayagpag ang musika ng The Beatles sa streaming debut nito ngayong holiday season.

Makaraang umiwas sa maraming channel ng digital music sa nakalipas na mga taon, available na ngayon ang catalogue ng Fab Four sa Spotify, Tidal at Apple Music. Nagkagulo ang fan base ng Beatles nang makumpirmang nasa streaming services na ang banda, at nag-trending ang #BeatlesOnSpotify.

Malawakan ang promotion ng Spotify sa acquisition nito sa Beatles streaming, at naglunsad pa ng espesyal na Snapchat filter at paulit-ulit na nai-tweet ang tungkol sa balita.

Ayon sa datos mula sa Spotify, ang most-streamed Beatles tracks sa Amerika sa unang dalawang araw ng availability nito ay ang Come Together, Hey Jude, at Here Comes the Sun.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pasok din sa top 10 Beatles songs sa Spotify ang Let It Be, Twist and Shout, Blackbird, I Want to Hold Your Hand, In My Life, She Loves You, at Help!.

Inilalarawan ng mga available na awitin ang sari-saring tagumpay ng grupo nina John Lennon, Paul McCartney, George Harrison, at Ringo Starr, dahil ang koleksiyon ng mga awitin ay batay sa buong career ng banda, sa halip na mula lamang sa iisang album.

Iba naman ang Spotify trend ng Beatles music globally. Ang most-streamed songs internationally ay pinangungunahan ng Come Together, Let It Be, at Hey Jude, at ang top 10 ay binubuo ng Love Me Do, Yesterday, Here Comes the Sun, Help!, All You Need Is Love, I Want to Hold Your Hand, at Twist and Shout.

Ayon pa sa datos ng Spotify, ang musika ng Beatles ang pinakabagong dagdag sa mahigit 673,000 playlists sa unang dalawang araw ng availability nito, bukod pa sa 65 porsiyento ng mga nakikinig sa musika ng Fab Four ay edad 34 pababa, na nangangahulugang hindi pa sila isinisilang ay nag-disband na ang Beatles noong 1970.

Yahoo News