Ang kanyang hindi mapipigilang popularidad ay isang bagay na hindi kayang kontrolin.
Ang ibang magagaling at sikat na NBA basketball players ay nakilala dahil sa kanilang kakaibang taas, abilidad na ang mga tagahanga ay nangangarap na maging ganoon din sila, samantalang ang paglalaro ni Curry ay dahil sa kanyang istilo na dapat na pagpurisigihan ng ibang manlalaro kabilang na rito ang kakayahan ni Curry sa pag-shoot, dribble at pass.
Ang pagkakaiba, ayon sa ibang sports analyst ay walang nakagagawa ng katulad ng kay Curry kung saan dinomina nito ang court na nagtulak upang makilala at sumikat ang Golden State Warriors na dati ay hindi man lang nabigyan ng importansiya bilang “must-watch” team sa NBA.
“The way that I play has a lot of skill but is stuff that if you go to the YMCA or rec leagues or church leagues around the country, everybody wants to shoot, everybody wants to handle the ball, make creative passes and stuff like that,” ang pahayag ni Curry. “You can work on that stuff. Not everybody has the vertical, or the physical gifts to be able to go out and do a windmill dunk and stuff like that. I can’t even do it.”
Ang makulay na buhay ni Curry, na nagbigay sa kanya ng MVP award ang nagbunsod sa Golden State na masungkit ang kauna-unahang titulo sa loob ng 40-taong pagkatigang sa torneo. Tinulungan ni Curry ang Warriors na makapagtala ng record-setting sa season na ito ng NBA, at ito rin ang naging daan upang makamit ang The Associated PRess 2015 Male Athlete of the Year.
Si Curry ang nanguna sa botong isinagawa ng mga US Editor, at news director kung saan inilabas ang resulta ng botohan noong Sabado. Kasama na si Curry sa mga napabilang na basketball players na sina LeBron James, Michael Joran at Larry Bird na nakakuha ng parangal sa 85-taong nang AP awards.
Naungusan sa puntos ni Curry sina golfer Jordan Spieth, na nakakuha ng dalawang major, at American Pharoah, na siyang naging first horse mula 1978 upang makopo ang Triple Crown.
Si American Pharoah ay nakakalap ng tatlong iba pa sa first-place votes na lamang kay Curry na 24 puntos, si Curry ang lumutang sa 85 porsyento sa 82 balota at nanguna sa limang kandidato.
“That’s a real honor,” ani Curry. “I’m appreciative of that acknowledgement because it’s across all different sports. ... It’s pretty cool.”
“Steph actually looks different,” ayon ito kay ESPN analyst Jalen Rose. “Like the best player in the league usually is also physically opposing - 6-6 plus, scowl on his face, menacing. With the attitude that we appreciated because like a Michael Jordan or Shaquille O’Neal, or Kobe Bryant, you know, just a cutthroat nature. Steph allows us into his living room. We see him on a national stage be a son, a dad, a husband, a father, a brother. And he does all of it while continuing to improve.” - Angie Oredo/AP