Tinanghal na kampeon sa volleyball ang City of San Juan habang wagi ang Manila Blue sa football sa panghuling aktibidad para sa taon nang inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya PLAY’N LEARN na isinagawa sa Burnham Green sa Luneta Park.

Tinalo ng Team Yellow –San Juan ang Team Red-Manila sa loob ng apat na set, 23-25, 24-14, 25-18,25-17 sa apat na koponang mini-tournament na nagsisilbing kampeonato ng buong taong libreng pagtuturo ng mga sports na parte sa grassroots development program ng PSC. Ikatlo ang Team Blu-Manila at ikaapat ang Team Green-San Juan.

Binigo naman ng Team Manila-Blue ang nakatapat na Team San Juan-Yellow sa matira-matibay na isang larong kampeonato sa football, 1-0. Ikatlo ang Team Manila-Red at ikaapat ang Team Luneta-Green.

Samantala, iniuwi ni Gilbert Paupa ang korona sa chess matapos talunin ang mga nakalaban sa apat na larong torneo. Ikalawa sina Geronimo Mendoza at ikatlo si Renato Briones.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nilampasan naman ni Chiqui Villa ng Tondo, Manila ang matinding hamon sa dire-diretsong pagsasayaw sa loob ng dalawang oras na kailangang nasasabayan ang bawat galaw ng mga instructor upang siyang kilalanin bilang Reyna ng Zumba Marathon 2015. Iniuwi ni Villa ang premyong P2,000 piso.

Pumangalawa si Chello Tan na nag-uwi ng P1,500 premyo habang ikatlo si Churchil Ocante na nagkasya sa P1,000 na premyo. Ikaapat si Joanne Basco at Marie Paz Magistrado na may tig-P500 premyo sa tampok na kategorya na 18 hanggang 40-years-old.

Kinilala rin bilang Hari ng Zumba Marathon si Ranilo Oliva na siyang nakakuha ng pinakamataas na puntos mula sa 10 hurado na lahat ay mga lisensiyadong instructor ng Zumba-Aerobics. Ikalawa si Roman Vicente habang ikatlo si

Norberto Gonzales. Ikaapat at ikalima sina Reynaldo Labis at Edison Manalo.

Sa ikalawang pagkakataon ay nagawang magwagi ni Jerry Ocampo sa 41-55 years old category. Ikalawa si Edmon Paras habang ikatlo si Francis Porter. Ikaapat si Willie Bulido habang ikalima naman si Richard Francisco na siya din napili bilang Best in Costume Male.

Back-to-back champion din sa 41-55 years old category ang mula Cabuyao, Laguna si Elsie Tampos na dumayo pa sa aktibidad upang lumahok. Ikalawa si Eleonor Buenaobra na tinanghal din bilang Best in Costume –Female division sa suot nitong Wonder Woman.

Ikatlo si Wilhelmina Ochosa habang ikaapat na ikalima sina Cynthia Bonhaco at Ailyn Mamaril. - Angie Oredo