Nanawagan kahapon ang vice-presidential frontrunner na si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing “more relevant and realistic” ang relief operations nito, sinabing mistulang hindi natututo ang kagawaran kung paano agad at epektibong matutugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Binatikos niya ang DSWD sa patuloy na pamamahagi ng mga hindi pa lutong bigas, instant noodles, at mga de-latang pagkain sa evacuees kahit alam na walang gamit ang mga nasalanta para iluto ang mga iyon.

Kaugnay nito, muling iginiit ni Escudero ang kanyang panukala na magtayo ang DSWD ng mga soup kitchen sa mga barangay upang mapakain agad ang evacuees. - Charissa M. Luci
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'