CABANATUAN CITY – Aabot sa P1.9-bilyon halaga ng palay, mais, at iba pang pananim ang nasira sa pananalasa nitong Disyembre 16 ng bagyong ‘Nona’ sa maraming lugar sa Central Luzon.

Sa ulat ni Department of Agriculture (DA)-Region 3 Director Andrew Villacorta, sinabi niyang umabot sa P658 milyon ang napinsalang maisan sa Tarlac, P115.5 milyon sa Aurora, P106.5 milyon sa Pampanga, P36.5 milyon sa Nueva Ecija, P16.6 milyon sa Bataan, at P1.8 milyon sa Zambales.

Napinsala rin ang palayan sa Pampanga (P328.6 milyon), Nueva Ecija (P260.7M), Aurora (P48.3M), Tarlac (P37.9M), Bulacan (P3.9M), at Bataan (P1.5M).

Nilinaw naman ni Villacorta na mas malaki ang naidulot na pinsala ng bagyong ‘Lando’ sa Region 3 kumpara sa Nona.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

(Light A. Nolasco)