Ni FER TABOY

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na mahirap tukuyin ang suspek sa indiscriminate firing, partikular tuwing sinasalubong ang Bagong Taon, kaya naman pahirapan ang pagpapanagot sa mga salarin at pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.

Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na mahirap hulihin ang mga suspek sa kaso ng indiscriminate firing, lalo na kung walang testigo.

Isang solusyon na nakikita ng PNP para mapalakas ang batas laban sa ilegal na pagpapaputok ng batas ay ang pagpapatindi sa parusa sa mga lalabag dito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Batay sa Article 115 ng Revised Penal Code, napakagaan ng parusa sa sinumang mahuhuling nagpaputok ng baril, na mahaharap lang sa kasong alarm and scandal.

May katumbas lang itong pagkakakulong ng isa hanggang 30 araw, o multang P200.

Ang parusa, aniya, ay maitutulad lang sa pagpapaputok ng rebentador.

Kaugnay nito, nanawagan ang PNP sa mga mambabatas na magpasa ng panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa nagpaputok ng baril.

Bukod dito, pag-iibayuhin din ng pulisya ang kampanya sa loose firearms, na kung hindi man masawata ang ilegal na pagpapaputok ng baril ay kahit mabawasan man lang ang insidente nito.