Ni ANGIE OREDO

Maaari ng magparehistro online ang mga interesadong tumakbo at nais magpatala o magrehisto sa karera na isasagawa ng Philippine Stock Exchange, Inc. (PSE), ika-12th PSE Bull Run na gaganapin sa Enero 10, 2016, simula sa 4:00 ng umaga.

Ito ang inihayag ni PSE President/CEO Hans Sicat patungkol sa kanilang 4-in-1 footrace, kung saan ang tampok na takbuhang 16-km noong isang taon ay napanalunan ng Aklanon na si Gregg Vincent Osorio at Dabawenyang si Celle Rose Jaro sa Bonifacio Global City.

Sinabi ni Sicat, na “We hope that through an activity such as the PSE Bull Run, we will be able to create awareness about the significant role of the stock market as an engine for growth of our economy and the importance of investing stocks. We hope that running and fitness enthusiasts, retail investors and the general public will join the Bull Run to support the development of the Philippine Capital market.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Maaaring magpatala ng online sa www.adeventsmnl.com, para makatakbo sa The Bull Run’s 21K Challenge, na may registration fee o butaw na P900.00, P850 sa 16K Trial, P700 sa 10K Race at P600 sa 5K Run, na para sa promosyon ng Market Education Program ng PSE.

Ang race bib, timing chip, singlet, certificate, at finisher’s shirt ang mga freebies sa mga makakatapos, at bukod dito, mayroon ding Finisher’s Medal ang lahat ng tatawid ng meta sa 16K at 21K categories sa kaganapang isinaayos nina Maryanne Ringor at Adlai Asturiano ng AdEvents Manila.

Makipag-ugnayan sa telepono may bilang na 366-9367 at 3646201 para sa iba pang kaalaman nang makalahok.