A honest mistake. Ito ang paniniwala ni Chairman Andres Bautista ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng disqualification case ni Sen. Grace Poe hinggil sa citizenship at residency nito, na inilagay sa certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo para sa 2016.

Si Mang Andres ay isa sa dalawang dissenter sa Comelec en banc decision na nagdidiskuwalipika o nagpapakansela sa CoC ni Sen. Grace. Ngayon (Lunes) ang araw na maghahain ang senadora sa Supreme Court ng petisyon para sa temporary restraining order (TRO) upang hadlangan ang Comelec sa kautusan nito.

***

Sa hanay ng mga vice presidentiable (apat ang Bicolano), nangunguna pa rin si Sen. Francis “Chiz” Escudero, bagamat ang kanyang katambal, si Sen. Poe, ay dumaranas ngayon ng matinding kalbaryo sanhi ng Comelec en banc decision na kanselahin ang CoC nito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang iba pang mga Bicolanong vice presidential bet ay sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo (LP), Sen. Gregorio “Gringo” Honasan (UNA), at Sen. Antonio Trillanes IV (independent).

***

Kung si Caloocan City Rep. Edgar Erice ang paniniwalaan, wala raw karapatan si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte na kumandidato sa pagkapangulo. Ang dahilan, ayon kay Erice, LP political affairs chief, hindi marunong si Duterte na sumunod maging sa simpleng procedure ng paghahain ng CoC sa Comelec. Akalain ninyong nagpaulik-ulik si Mayor Digong na maghain ng kandidatura noong Oktubre, pero bigla-bigla, pinalitan niya si Martin Diño ng PDP-Laban na ang inihaing CoC ay para sa pagkamayor ng Pasay City.

Nahaharap din si Duterte sa dalawang kaso ng disqualification. Ang una ay iniharap ng mamamahayag na si Roman Castor. Ang ikalawa ay inihain naman ni defeated senatorial candidate Rizalito David. Hinihintay ng mga tao kung maghahain din ng DQ sina ex-Sen. Francisco “Kit” Tatad, ex-GSIS counsel Estrella Elamparo, Prof. Antonio Contreras, at ex-UE Law Dean Amado Valdez. O, takot sila sa machong alkalde at baka sila ang pagbalingan ng mura nito?

Sa dakong huli, ‘pag nadiskuwalipika sina Poe at Duterte at naipakulong si VP Jojo Binay dahil sa kasong kurapsiyon, ang matitira na lang ay sina Mar Roxas, Sen. Miriam Defensor Santiago at ex-Amb. Roy Señerez.

***

Nanawagan si Pope Francis, leader ng 1.2 bilyong Katoliko sa mundo, na mamuhay nang simple. Sinabi niyang si Hesukristo ay isinilang sa isang sabsaban at hindi nagpamalas ng karangyaan. Sa kanyang homily noong Pasko, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mercy, compassion, empathy, at justice. Sana ay sundin natin ang panawagang ito ng Santo Papa. (BERT DE GUZMAN)