Janella Salvador
Janella Salvador
RUMATSADA agad sa takilya nu’ng opening day ang Regal Entertainment MMFF entry na Haunted Mansion. Mahigit P10M ang tinabo nito sa box office, kaya agad itong pumasok sa Top 3 entries na dinadagsa ng mga manonood sa taunang festival.

Dehado ang dating ng Haunted Mansion nang i-announce na isa ito sa walong napiling entries. Wala pa kasing pruweba sa takilya ang lead teen stars na sina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce. Pero naniniwala ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa kakayahan nilang magdala ng pelikula at hindi nga sila nagkamali sa pagsugal na bigyan ng break sa big screen ang tatlo sa pinaka-promising stars ngayon.

Of course, pinili ng mag-ina ang premyadong si Jun Lana para siyang magdirek ng horror movie. Panalo ang pagkakagawa ni Direk Jun sa pelikula, matindi ang hatid na takot kaya naman palakpakan ang mga manonood after ng screening.

Kitang-kita rin naman kasing ginastusan ng Regal ang Haunted Mansion. Mabagsik din ang krebidilidad ng istorya nito kaya naman tunay na screamfest ang maririnig sa loob ng bawat sinehan.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Thank you for supporting Regal and I am very happy to gross P10M plus,” mensahe ni Mother Lily sa buhos na suporta ng publiko sa Haunted Mansion. “Me and Roselle plus the whole team try our very best to make this picture successful and considering our cast of stars who are all new but we try to make this new stars fulfill their goals in life.”

Sa lakas sa takilya ng Haunted Mansion, mula sa 48 cinemas at ilan sa probinsiya, nadagdagan na ito simula nu’ng third day ng MMFF. Isinalang na rin ang horror movie sa mga sinehan ng SM Tarlac, Baguio, Sta. Rosa, Lucena, Batangas,  Waltermart Tanauan, Sta. Lucia,  Robinson’s Iloilo, Dasmariñas at Bacolod.

Patuloy na tuklasin ang hiwaga sa loob ng Haunted Mansion sa natitirang araw ng festival at siguradong sulit na sulit ang inyong ibabayad.