Ni JIMI ESCALA

TEARY-EYED si Batangas Gov. Vilma Santos nang parangalan ng DepEd ng kauna-unahang Balisong Award. 

Ang nasabing award ay iginawad sa punong lalawigan o iba pang opisyal ng Batangas na may malaking nagawa para sa pagsulong ng edukasyon sa probinsiya.

Ayon sa isang opisyal ng DepEd, hindi magiging taun-taon ang paggawad ng nasabing award. Ipagkakaloob lamang ito kung may nakikita silang public servant na may malaking naitulong sa sector ng edukasyon.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ngayong taon, namumukod-tangi ang gobernadora ng Batangas sa may malaking nagawa sa edukasyon para sa ikauunlad ng pamumuhay ng kanyang mga nasasakupan. 

Sa totoo lang din naman, kahit busy sa shootings, tapings at iba pang showbiz commitments noon ay pinilit pa rin ni Ate Vi na balikan ang pag-aaral. ‘Yun nga lang, hanggang high school lang ang natapos niya, huh!

“Siguro kung hindi ‘yan naging sobrang busy sa showbiz baka nakapagtapos ‘yan ng kurso sa kolehiyo,” sey pa rin ng kausap naming taga-DepEd.

Sobrang bilib naman kay Ate Vi ang vice mayor ng Lipa City na si Eric Africa. Kahanga-hangang public official para sa kanya si Gov. Vi sa pagbibigay ng kaukulang pansin ng gobernadora sa edukasyon.

“Basta mga proyektong para edukasyon ng kabataan, eh, top priority ‘yan ni Gov. Vi,” sey ni VM Eric sa amin.

‘Yun marahil ang dahilan kaya ipinagkaloob ng DepEd kay Gov. Vi ang Gawad Balisong Award.