Kailangang personal na magtungo ang mga senior citizen at person with disabilities (PWD) sa polling precinct upang punan ang balota, kasama ang ibang botante, sa halalan sa Mayo 9, 2016.

Ito ay matapos aprubahan ng Comelec ang rekomendasyon nina Executive Director Jose Tolentino, Jr., Deputy Executive Director for Operations Bartolome Sinocruz Jr., at Election and Barangay Affairs Department Director Teofisto Elnas, Jr. sa pagpapatupad ng consolidated project of precincts (POP).

Nakasaad sa rekomendasyon na magtatatag ng hiwalay na lugar sa polling precinct upang eksklusibong magamit ng mga senior citizen at PWD sa pagsusulat sa balota.

Ito ay mangangailangan ng bagong set ng Board of Election Inspectors (BEI) na personal na mag-aabot ng balota sa mga senior citizen at PWD, at saka ipapasok ito sa vote counting machine (VCM) sa pamamagitan ng express lane na inilaan para sa kanila.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa kanilang rekomendasyon, ipinaliwanag ng Comelec na kakailanganin ng clustering dahil sa kakaunting bilang ng nakatatanda at may kapansanan na nagpahayag ng kahandaang maitalaga sa mga accessible polling place (APP).

“Hindi praktical na magtalaga ng voting counting machine para eksklusibong magamit ng mga botante ng mga non-territorial precinct,” anila.

Nakasaad din sa rekomendasyon na dahil sa ibinase lang ang bilang ng mga inupahang VCM sa kabuuang bilang ng clustered territorial precinct, hindi na posibleng magtalaga ng VCM sa mga non-territorial precinct na itinalaga sa mga APP.

Ipinaliwanag din ng grupo na ang isang VCM ay itatalaga sa isang clustered precinct, hindi para gamitin sa pagboto kundi para sa pagbibilang ng mga boto.

At dahil itinalaga lang ang mga VCM sa mga clustered precinct, dapat maihanay ang kapwa territorial at non-territorial precinct sa isang cluster upang mabilang ang kanilang mga boto sa ilalim ng automated election system. (Leslie Ann G. Aquino)