Kalaboso ang isang lalaki matapos niya umanong halayin ang kanilang kasambahay sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City noong Pasko.

Nakakulong ngayon sa Cubao Police Station si Cicero Arriola, 47, residente ng Liberty Avenue, Cubao, Quezon City, matapos kasuhan ng pulisya ng paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

Ayon sa salaysay ng biktima, sila lamang ni Arriola sa bahay nito nang utusan siya nitong kumuha ng bote ng alak habang nanonood ito ng telebisyon.

Habang ibinubuhos ang alak sa baso, nilapitan ng suspek ang biktima at bigla umanong nilamas ang dibdib nito. Agad na pumalag ang huli at sinabihan ang suspek na huwag siyang molestiyahin.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>

Sa puntong ito, inalok umano ni Arriola ng pera ang biktima kapalit ng panandaliang aliw subalit hindi pa rin bumigay ang kasambahay. Ayon sa biktima, biglang nagdilim ang paningin ng suspek, kinaladkad siya sa kusina, binusalan, hinubaran at ginahasa.

Matapos ang insidente, agad na humingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kaanak na nagpasaklolo naman sa pulisya hanggang naaresto si Arriola kinabukasan. - Vanne Elaine P. Terrazola