Hindi na umabot nang buhay ang isang pasyente matapos salpukin ng isang humaharurot na taxi ang sinasakyan nitong ambulansiya sa Pasay City noong Sabado ng gabi.

Dalawang iba pa ang nasugatan sa insidente, ayon sa police report.

Lumitaw sa imbestigasyon na kritikal ang lagay ni Robes Domingo, 46, ng Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan nang isakay ito sa ambulansiya na magdadala sana rito sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City, subalit minalas itong salpukin ng isang taxi sa panulukan ng JW Diokno Boulevard at Coral Way Street, dakong 7:15 ng umaga noong Sabado.

Kinilala ang driver ng ambulansiya na si Jonathan Panem, 27, residente ng 663-C President Quirino Avenue, Malate, Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dalawa pang kaanak ni Domingo—na nakilalang sina Alvin Mesa, 47; at Alyssa Mae Mesa, 14—na sakay din sa ambulansiya ang nasaktan sa insidente at dinala sa Manila Adventist Hospital dahil sa tinamong minor injuries.

Ayon kay SPO2 Marilou Sandrino, nasa kostudiya na ng pulisya si Henry George Agustin Tolentino, 49, driver ng Toyota Vios taxi (UVU-701) at residente ng A. Luna St., JP Rizal Extension, West Pembo, Makati City, matapos itong kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide and physical injury. - Jean Fernando