Umaapela sa publiko ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at EcoWaste Coalition na iwasan ang paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon at maawa sa mga alagang hayop, na anila ay higit na naaapektuhan sa nakabibinging tunog ng firecrackers at fireworks.

Binatikos ng PAWS ang anila’y “acoustical violence” na dulot ng paputok sa mga alagang hayop at maging sa mga hayop na gala, partikular na sa mga aso at pusa.

“Our four-legged friends, particularly cats and dogs, suffer in silence as firecrackers and fireworks of varying intensity are ignited in the belief that such practice can shoo away bad luck and pull in good energy and fortune,” sabi ni Anna Cabrera, executive director ng PAWS. “Cats and dogs are specially gifted with acute sense of hearing.

Pyrotechnic explosions can cause acoustic trauma to animals that humans often take no notice of.”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa panig naman ni Aileen Lucero, coordinator ng EcoWaste Coalition, nanawagan siya sa lahat ng magdiriwang ng Bagong Taon na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga hayop sa pamamagitan ng hindi paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Huwebes ng gabi.

Ayon kay Lucero, bukod sa nakasisira sa kalikasan, parusa rin ang paputok para sa mga hayop.

Bukod sa hindi pagpapaputok, sinabi ni Lucero na mahalagang ikubli ang alaga sa isang ligtas na lugar na maaari itong magkanlong, gaya ng kuwarto, sa panahong marami na ang nagpapaputok.

Mas mabuti rin, aniya, na isara ang mga bintana at mga kurtina at magpatugtog ng mga nakaka-relax na musika sa loob ng kanlungan ng hayop upang ma-neutralize ang ingay mula sa labas, at ma-relax ang alaga. (MARRY ANN SANTIAGO)