ANG pelikulang A Second Chance ng Star Cinema ang bagong highest grossing Filipino movie of all time sa tinabo nitong P566 milyon worldwide simula nang ipalabas ito sa mga sinehan noong Nobyembre 25.
Naungusan na ng hit sequel ng One More Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang pinagsamang local at international box office sales ng 2014 film nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Starting Over Again.
Bukod sa pagiging phenomenal box office hit, gumawa rin ng kasaysayan ang pelikulang idinerehe ni Cathy Garcia-Molina dahil ito ang kauna-unahang local film na pumalo ng mahigit isang bilyon sa ticket sales.
Ito rin ang unang local film na ipinalabas sa United Kingdom ng Vue Entertainment, isa sa pinakamalaking cinema chain sa naturang bansa sa ilalim ng Vue International na siya namang pinakamalaking cinema group sa labas ng US. Pinalabas din ito sa ibang major cinemas sa Europe partikular sa Milan, Rome, Messina, Padova, Paris, Madrid, at Vienna.
Tampok sa A Second Chance ang kuwento nina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea) na binigyan ng ‘one more chance’ ang kanilang pag-ibig na nauwi sa kasalan. Ipinakita rito ang mas mature na bahagi ng kanilang relasyon at tumalakay sa mga issue na lubusang nagkaroon ng koneksiyon sa buhay ng mga manonood.
Kasama rin sa pelikula ang kuwelang barkada nina Popoy at Basha na ginagampanan nina Bea Saw, Janus del Prado, Ahron Villena, Dimples Romana, at James Blanco.