Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na mas maraming personnel ang target nilang i-hire sa susunod na taon, dahil nais ng ahensiya na may tauhan ito sa lahat ng lugar na nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Ayon kay Rear Admiral William Melad, PCG officer-in-charge, nasa 900 tauhan ang plano nilang i-hire para sa 2016, at saklaw ito sa budget ng PCG na inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa ngayon, nasa 8,807 ang tauhan ng Coast Guard sa buong bansa at kapag nadagdagan ito, aabot na sa 9,707 ang kabuuang personnel ng PCG.

Sinabi ni Melad na malayo pa rin ang nasabing bilang sa ideal target ng PCG na 15,000 sa buong bansa.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Massive recruitment ang gagawin ng PCG sa susunod na taon. - Beth Camia