Umabot sa 421 ang kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga lumabag sa hindi pagbabayad ng tamang buwis, iniulat ni Commissioner Kim Jacinto Henares.
Nabatid na ang naturang bilang ay simula noong umupo si Henares bilang BIR commissioner noong 2010 at ipatupad ang programa ng ahensiya na Run-After-Tax-Evaders (RATE).
Aniya, umabot sa P74-billion tax liabilities ang hahabulin ng ahensiya dahil sa nasabing mga kaso.
Inihalimbawa ngayong taon na umabot sa 100 tax evasion case ang naisampa ng BIR, at nasa P3 bilyon ang kanilang hinahabol.
Pananatilihin din, aniya, ang nasabing RATE program para mahabol ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
(Jun Fabon)