Ang eight-year suspension ni FIFA at UEFA president Sepp Blatter at Michel Platini ay hindi naman makaaapekto sa paghahanda para sa 2018 World Cup sa Russia.

Ito ang inihayag noong Biyernes ni Sports Minister Vitaly Mutko sa kanyang rekasiyon hinggil sa isyu.

“I think this will not affect us and preparations for the World Cup,” ang sabi ni Mutko sa TASS news conference. “I see no problems here. We make regular reports on preparations and get approval. There are no reasons to strip us of the World Cup.”

Magugunitang noong Lunes, inilabas na ng FIFA Ethics Committee ang hatol kina Blatter at Platini na nauna ng sinuspinde ng komite. Ang dalawa ay pinagbawalan ng FIFA na magpartisipa sa sa alinmang aktibidad na may kaugnayan sa football makaraang masangkot si Blatter sa paglilipat na pera kay Platini mula sa pondo ng FIFA.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinatawan din ng Ethics Committe ang dalawang football executive na maglagak ng multa, kung saan inatasan si Blatter na magbayad ng 50,000 Swiss francs (mahigit $ 50,300) at si Platini- ng 80,000 swiss francs (mahigit sa $ 80,500).

Noong Oktubre, sina Blatter at Platini ay sinuspinde mula sa kanilang mga puwesro bilang bahagi ng imbestigasyon sa mga kasong korupsiyon na isinampa laban sa kanila.

Kabilang sa mga alegasyon, pinaghihinalaang nagbayad si Blatter ng 2 milyong Swiss francs kay UEFA President Platini noong Pebrero 2011.

“At the FIFA Congress on February 26, the [Ethics] Committee will report to the members of the organization and explain the reasons for such harsh sanctions,” ayon kay Mutko. “It deeply upsets that such faith fell upon Blatter, who worked in FIFA for 40 years.” (PNA)