Kung bibigyan ng pagkakataon na makapaglaro sa basketball at volleyball, muling susubukan ni FEU-Tamaraws forward Richard Escoto na magpartisipa sa dalawang magkaibang torneo.
“Oo naman, bakit naman hindi? Kung papayagan ba e,” pahayag ni Escoto, ang nakababatang kapatid ng graduating Tamaraw na si Russel Escoto.
Ayon kay Escoto, first love niya talaga ang volleyball at napunta lamang siya sa basketball nang isama siya ng kanyang kuya para maglaro sa FEU.
Katunayan, bago lumipat ng FEU ay varsity player siya ng Angeles University Foundation na nakapaglaro pa bilang guest squad sa NCAA.
“Nakakamiss na rin ang maglaro ng volleyball, kaya nga nagpapasalamat kami kay Kiefer (Ravena) kasi inimbita nya kaming maglaro. Nag enjoy na nakatulong pa kami,” ani Escoto na isa mga basketball player na nagpaunlak na maglaro para sa charity volleyball match na tinaguriang Fastbr3ak noong Disyembre 23 para sa nasalanta ng bagyong Nona.