Hinihiling ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang tulong ng lahat ng local government unit (LGU) para ayudahan ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) sa Atlas Filipinas project nito.

Layunin ng Atlas Filipinas na magsagawa ng pag-aaral na magsusulong at mangangalaga sa wikang Filipino gayundin sa lahat ng dialect sa bansa. Sa ilalim nito, titipunin ng KWF ang isang official directory na nagtatalaga sa bawat probinsiya, lungsod, munisipalidad at barangay sa bansa.

Kaugnay nito, hinihikayat ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento ang mga local chief executive (LCE) na tumulong sa mga pagsisikap ng KWF sa pagkakaloob ng mga mapa na magdedetalye sa pangalan ng bawat lokalidad gayundin ang kanilang mga kinauukulang lider.

Kasunod nito ay hinimok sila ni Sarmiento na magpasa ng mga ordinansa at mga resolusyon na magkakaloob ng standard name ng kanilang mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay. Pagkatapos nito, dapat nilang tukuyin kung

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

gagamitin o hindi ang standard name o susundin pa rin ang mga pangalan ng mga lokalidad na may Spanish origin.

Sinabi ni Sarmiento na dapat ding tulungan ng mga LGU ang kanilang mga nasasakupan na magdebelop ng isang malalim na pag-unawa sa mayamang kultura at kasaysayan ng kanilang mga lokalidad. (Czarina Nicole O. Ong)