Muli na namang nakuha ni Tennis superstar Serena Williams ang Associated Press Female Athlete of the Year sa ikaapat na beses.

Si Williams ay nakaranas ng magandang bahagi sa taong 2015 at isinantabi ang mga katanungang kung siya ba ay makapag-compete para sa Gand Slam.

“I wanted it. But ... winning one (major title) is not easy. And then, (when) you have a ‘bounty’ on your head, it’s even harder,” ang pahayag ni Williams. “If you know anything about me, I hate to lose. I’ve always said I hate losing more than I like winning, so that drives me to be the best that I can be.”

Ang istilo ni Williams ang nagbunsod sa kanya upang maging kauna-unahang tennis player sa loob halos ng quarter-century na nanalo ng apat na Grand Slam tournaments sa isang season. Sa mga itinalang boto ng US editors at news directors, si William ang napili bilang Associated Press Female Athlete of the Year ng apat na beses.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang resulta ay inanunsiyo noong Biyernes.

Si Williams ay nakakolekta ng 50 first-place votes at 352-puntos. Si Carli Lloyd, na ang hat trick sa final ay umangat sa US women’s soccer team at makuha ang World Cup title, ay naging runner-up, at nakakuha ng 14-first place votes at 243-puntos. Si UFC star Ronda Rousey naman ay nakuha ang ikatlong puwesto, at isang puntos ang kalamangan kay Holly Holm, ang fighter na tumalo kay Rousey noong Nobyembre. Si Uconn basketball player Breanna Stewart ang nasa ikalimang puwesto.

Ang AP Male Athlete of the Year naman ay nakatakdang i-anunsiyo ngayong araw na ito, Linggo(Sabado sa US).

Si Williams ay nanalo rin ng AP awards noong 2002, 2009, at 2013 at sinamahan si Chris Evert bilang four-time honoree. Ang nag-iisang babae na mayroon ding AP selections ay si Babe Didrikson, na may anim- isa para sa athletics noong 1932 at lima para sa golf mula 1945-hanggang 1954.

“It’s not even winning the Grand Slam titles as much as the way she got herself out of the deep holes that she dug, just repeatedly. It’s not like she had two or three narrow escapes,” Evert said about Williams. “It really was the year of the comeback. It was just unbelievable.”

Si Williams ay nanalo sa Australian Open sa hard courts noong Enero, ang French Open sa red clay noong Hunyo, at sa Wimbledon on grass noong Hulyo, bago ito matalo sa US Open semifinals noong Setyembre na tinaguriang isa sa pinakamalaking kabiguan sa kasaysayan ng sports.

Sa kabuuan, si Williams ay nakapagpatuloy sa 53-3 na may WTA tour-leading sa limang titulo at naging No. 1 bawat linggo. Nakuha ni Williams ang Grand Slam singles trophy sa antas na 21; dalawa pang babae ang nakakuha nito.

Hindi ito naging madali para kay Williams, na lumaki sa Compton, Californa at 34-anyos noong Setyembre.

Noong French Open, si Williams ay iniinda na ang pananakit ng kanyang kanang siko, at tinamaan pa ito ng sakit na ubo. Sa apat na beses sa Paris, natalo ito sa first set bago nanalo.

“My elbow was killing me. It’s about fighting and just never giving up. You hear that and it sounds cliche,” ani Williams, “but it’s really just about, ‘OK, I’m going to at least try and see what happens.” (AP Sports)