CAMP FLORENDO, La Union – Binaril at napatay ng isang ama ang sarili niyang anak na lalaki matapos itong maging bastos at sigawan ang sariling ina na kinompronta ito dahil sa pag-uwi nang lasing sa Barangay Bateria sa San Esteban, Ilocos Sur.

Sinabi ni Senior Insp. Augusto Cabello, Jr., hepe ng San Esteban Police, na tinangka ni Emmanuel Calina, 59, retiradong seaman, na pakalmahin ang kanyang anak na si Tristan Jay Calina, 25, habang sinisigawan nito ang sariling ina.

Gayunman, hindi umano natitinag ang biktima sa pabalang na pagsagot sa ina.

Kalaunan, ang suspek na ang napagbalingan ng galit ng biktima, hanggang sa nagwala ito, kumuha ng dalawang kutsilyo sa kusina at tinangkang saksakin ang ama.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Gayunman, agad na nakuha ng suspek ang kanyang 12-gauge shotgun at dalawang beses na binaril sa dibdib ang anak, na agad nitong ikinamatay.

Kusa namang sumuko ang suspek, na nakapiit na ngayon sa San Esteban municipal jail. (Erwin Beleo)