Kung mayroong gustong buweltahan si WBO super bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr., ay ang umagaw sa kanyang titulo na si Ring Magazine champion Guillermo Rigondeaux ng Cuba.
Nagsagupa sina Donaire at Rigondeaux sa WBA/WBO unification bout pero kahit napabagsak ng Pinoy boxer sa 10th round ang two-time Olympic gold medal winner ay nagwagi pa rin ang Cuban sa 12-round unanimous decision noong Abril 13, 2013 sa New York.
“There are two essential things, the first is that I feel good, and the second is that I’m very healthy. The difference in this Nonito is the mentality. Today I feel inspired and committed to what I want and I have to do,” sabi Donaire sa ESPN Deportes.
Kung mananalo kay Rigondeaux, makukuha niya ang Ring Magazine title saka hahamunin ang mga kampeon sa iba’t ibang samahan para maging undisputed super bantamweight titlist.
“I’m back to 122 pounds, I’ve come to regain control, I want to regain the division and do what I need to do,” dagdag ni Donaire. “If Rigondeaux is still here I would love nothing more than to have the opportunity to face him again and let him deal with this Nonito.”
May kartadang 36-3-0 win-loss-draw na may 23 panalo sa knockouts, hinamon na rin ni Donaire ang magwawagi sa IBF/WBA unification bout nina Britons Carl Frampton at Scott Quig na magsasagupa sa Pebrero 27, 2016 sa Manchester Arena sa London.
Nakabalik sa eksena si Donaire matapos talunin sa 12-round unanimous decision si Mexican Cesar Juarez noong nakaraang Disyembre 11 sa San Juan, Puerto Rico sa sagupaang kandidato bilang “Fighter of the Year” sa maraming kinikilalang samahan. (Gilbert Espeña)