Nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na maging mapanuri laban sa mga pekeng pera ngayong holiday season.

Sa abiso ng bangko, kinukuha ng mga nasa likod ng pamemeke ng pera ang windowed security thread (WST) mula sa orihinal o totoong pera at inililipat sa mga pekeng salapi, partikular ang P500 at P1,000 bill.

Ang WST ay isang vertical broken band at makapal na silver stitches sa mga lehitimong pera.

“This is done by pasting the extracted genuine WST on counterfeit P500 and P1,000 banknotes,” ayon sa BSP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa BSP, ang mga nawawalang security thread sa tunay na perang papel ay pinepeke sa paggamit ng ballpen na may semi-gloss ink. Ang isa pang panlalansi ng mga namemeke ay ang takpan ang espasyo ng makintab o metallic paper.

Nilinaw ng BSP na ang genuine banknotes na may pekeng security thread ay awtomatikong nawawala ang halaga at ikinokonsiderang peke rin.

Pinapayuhan ang publiko na i-surender ang mga pekeng pera sa tanggapan ng Currency Issue and Integrity Office sa Cash Department ng BSP sa East Avenue sa Diliman, Quezon City. (Bella Gamotea)