Hinihiling na isama ang pensiyon ng mga beterano at retiradong sundalo at pulis sa saklaw ng “Salary Standardization Law of 2015” bilang tanda ng pagkilala at respeto sa kanilang paglilingkod sa bayan.
Ang apela upang aksiyunan at pagtibayin ng mga kongresista ang House Resolution 2547 ay ginawa ng limang dating sundalo at pulis na sina Rep. Gary C. Alejano (Party-list, Magdalo) at Rep. Francisco Ashley L. Acedillo (Party-list, Magdalo), Rep. Leopoldo N. Bataoil (2nd District, Pangasinan), Rep. Samuel D. Pagdilao (Party-list, ACT-CIS) at Rep. Romeo M. Acop (2nd District, Antipolo City).
“While House Bill 6268, or the proposed ‘Salary Standardization Law of 2015’ or SSL 2015 will benefit 1.53 million civilian, military and uniformed personnel of the national government, however, the pension of the military and uniformed personnel is not included,” giit nila. (Bert de Guzman)