Sinuportahan ng Department of Justice (DoJ) ang panukalang mag-oobliga sa lahat ng pampublikong sasakyan na gumamit ng mga monitoring device upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa dalawang-pahinang opinyon, sinabi ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa na wala siyang nakikitang legal na balakid kung ipapasa ang House Bill Numbers 1992, 3704, 3755 at 5228 na iniakda nina Congressmen Arnulfo Go, Eric Olivarez, Mariano Velarde at Winston Castelo.

May titulong “An Act Mandating the Installation Monitoring Devices in Public Utility Vehicles, Providing Penalties For Violation Thereof,” puntirya ng panukala na obligahin ang lahat ng public utility vehicle (PUV) na magkabit ng closed circuit television (CCTV) camera at global positioning system (GPS) tracker upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero.

Nakasaad sa panukala na gagawing requirement ang paggamit ng CCTV at GPS sa tuwing magre-renew ng rehistro ng sasakyan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagamat sinusuportahan niya ang panukala, inirekomenda pa rin ni Caguiao sa Kongreso na bahagyang baguhin ang ilang probisyon sa apat na panukala, partikular sa Sections 3 at 8.

Ipinanukala niya ang pagsisingit ng katagang “operating under a franchise or certificate of public convenience” sa paghahayag ng PUV na saklaw ng naturang panukala. (Leonard D. Postrado)