Untitled-1 copy

MASAYANG ikinuwento ni Enrique Gil na may bago na namang aabangan ang fans ng love team nila ni Liza Soberano, ang seryeng Dolce Amore. 

“Siyempre, ‘yung mga sumuporta sa amin sa Forevermore na hanggang ngayon, eh, hindi pa maka-get over, eh, ito na, magbabalik na kami sa Primetime Bida. Kaya dapat abangan nila,” sey ni Enrique.

May malaking pagkakaiba raw sa Forevermore ang roles na gagampanan nila ni Liza. 

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Well, same director, same love team kami ni Liza dito. Mayaman si Liza dito, ako, eh, ‘yung medyo mahirap but maraming mangyayari kaya aabangan na lang nila,” sey ng actor. 

Dagdag pa ni Enrique, may mga paghahandang ipinagawa sa kanila para sa nasabing serye. Pinag-aral si Liza ng tamang pagbigkas ng Italian language at siya naman ay medyo may pagkabulol ang role. 

“Hindi ko ma-pronounce ang S, eh, pangalan ko dito Vicente, Vitente ang nasasabi ko kaya Tentie ang itinawag nila sa akin. ‘Yung Jose Rizal, Joti Rital ang nasasabi ko. Medyo awkward pero masayang-masaya ito,” kuwento pa ng actor. 

Dagdag pa ni Enrique, may pagka-mature na rin ang role niya sa Dolce Amore kung ikukumpara sa Forevermore. Umaasa ang actor na magugustuhan uli ng fans nila ang bago nilang serye. (Jimi Escala)