WASHINGTON (Reuters) – Pinahintulutan ng Islamic State (IS) ang pagkuha ng mga lamang-loob ng tao sa isang hindi isinapublikong pasya ng mga Islamic scholar ng grupo, na nagpatindi sa pangamba sa posibilidad na nagsasagawa ng organ trafficking ang teroristang grupo.
Sa ruling, na nakapaloob sa dokumentong may petsang Enero 31, 2015 na sinuri ng Reuters, nakasaad na pinahihintulutan ang pagkuha ng mga lamang-loob ng isang nabubuhay na bihag, kahit pa ikamatay ito ng huli, para iligtas ang buhay ng isang Muslim.
Hindi pa makumpirma ng Reuters kung tunay ang dokumento, na kabilang sa mga nasamsam ng U.S. special forces sa pagsalakay nito sa silangang Syria noong Mayo.
“The apostate’s life and organs don’t have to be respected and may be taken with impunity,” saad sa dokumentong nasa pormang fatwa (religious ruling) mula sa Research and Fatwa Committee ng IS.