Kikilalanin ang panibagong batch ng mga dating miyembro ng pambansang koponan na nagbigay karangalan sa bansa sa kanilang nilahukang internasyonal na torneo sa pag-aangat sa kanila sa natatanging Philippine Sports Hall of Fame sa anibersaryo ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Enero 25.

Ang Philippine Sports Hall of Fame ay may mandato sa Republic Act 8757 upang magbigay ng espesyal na pagkilala sa mga Pilipino na nakapagbigay ng malaking karangalan sa komunidad ng sports maging ito man ay isang amateur o propesyonal.

“It is an homage to our sports heroes of past and present who through his triumphs, showed the true mettle of a Filipino athlete,” sabi ni PSC Research and Planning chief Dr. Lauro Domingo Jr. sa pagpili nito sa mga dating atleta na lumahok simula noong 1924 hanggang 1974.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“The objective of the Hall of Fame is to enshrine Filipino athletes, coaches and trainers who have distinguished themselves in their particular field of sports and to preserve and celebrate the Filipino sportsman’s highest achievement in sports and life, inspiring the next generation to aspire for their highest potential in both sports and life,” sabi pa ni Domingo Jr.

Kabuuang 146 ang kandidato na kabilang sa mga nominado matapos na mag-uwi ng gintong medala sa isinagawa na Southeast Asian Games, pilak sa Asian Games o alinman Asian Cup o Regional Games, tansong medalya alinman sa Olympic Games o World Games o naging World Champion sa amateur o professional sports.

Samantala, nakatakda ring ilathala ng PSC ang isang natatanging coffeetable book na naglalaman ng mga litrato, kasaysayan at pangyayari sa mga naging kampanya ng bansa sa iba’t-ibang torneo sa pagseselebra nito ng ika-25 taon ng pagkakatayo bilang ahensiya ng gobyerno sa sports. (Angie Oredo)