Makapigil-hininga ang ginawang aksiyon ni LA Tenorio sa buzzer-beating triple sa overtime na umangat sa Barangay Ginebra kontra Star Hostshots, sa kartadang 92-89 sa christmas playoff ng dalawang koponan sa ginaganap na 2016 PBA Philippine Cup.

Ang laro ay isang “delightful treat” para sa mga tagahanga ng basketball kung saan napanuod nila ang dalawang team sa isang shooting duel at nagbunsod sa limang minutong ekstensiyon.

Nabawi ng Gin Kings ang 18-point hole nang makagawa si Sol Mercado, na nauna ng walang ginawang iskor, ng 3-puntos sa unang three quarter, at nagsimula na itong tumama ng mga shot mula sa perimeter.

Pinilit ng Hotshots na makagawa sa mga free throw, subalit ang baguhang si Scottie Thompson ng Ginebra ay nakagawa ng iskor para tumabla ang dalawang koponan sa 80-all at napilitang magkaroon ng overtime.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Naging three-point shootout ang nangyari sa dalawang team hanggang umasiste si Tenorio kay Mercado upang pangunahan ang laban.

Ang panalo ay nagkaroon ng tsansa sa twice-to-beat Kings upang bumagsak ang Hotshots sa itinalagang do-or-die laban sa Globalport sa susunod na laban.

‘’I’ve been through a lot of games and this is one of the most amazing ones,’’ ayon ito sa pahayag ni Ginebra head coach Tim Cone sa website ng PBA.

Inihayag ni PBA statistician Fidel Mangonon III, ito ang unang overtime game na walang kahit isang two-point field goal.

Tumapos si Mercado sa 17-puntos, ang lahat ng ito ay itinala sa fourth quarter.

Si Tenorio ay nakapagtala ng 11-puntos, kabilang na ang go-ahead triple, habang ang Best Player of the Conference candidate na si Greg Slaughter ay nagkaroon ng 12 markers.

Ang panalo ng Ginebra ay sumira naman sa 17-point effort ni PJ Simon para sa Hotshots. Sina Ian Sangalang ay may 13-puntos habang si Mark Barroca ay may 11-puntos.