Ikinatuwa ng independent vice presidential candidate na si Senator Francis “Chiz” Escudero ang solidong suporta na ipinadama ng mga Pinoy sa kanyang kandidatura matapos siyang muling mamayagpag sa mga survey ng Social Weather Station (SWS), Pulse Asia, at The Standard.

Sinabi ni Escudero na ang pangunguna niya sa SWS at Pulse Asia surveys ay nagpapakita na marami ang nagtitiwala sa tambalan nila ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe-Llamanzares.

Nanguna si Escudero sa huling survey ng SWS at Pulse Asia sa hanay ng mga kandidatong vice president matapos makakuha ng 30 at 29 na porsiyentyo.

“Nakatataba po ng puso ang mga resulta ng magkahiwalay na surveys. Patunay lamang ito na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap namin ni Senator Grace ay patuloy pa ring nagtitiwala ang taumbayan sa mabuti naming hangarin para sa bansa,” pahayag ni Escudero.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bagamat nagsisilbing giya para sa kanya at kay Sen. Poe ang mga survey, binigyang-diin ni Escudero na nakatutok pa rin sila sa pagpapakalat ng kanilang pataporma de gobyerno upang matamo ng bansa ang kaunlaran, transparency at global competitiveness.

Lumitaw sa survey ng Pulse Asia noong Disyembre 4 hanggang 11 na kasunod ni Escudero sina Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., 23 porsiyento; Sen. Alan Peter Cayetano, 18 porsiyento; Camarines Sur Rep. Leni Robredo, 14 porsiyento; Sen. Gregorio “Gringo” Honasan, siyam na porsiyento; at Sen. Antonio Trillanes IV, apat na porsiyento.

(Hannah L. Torregoza)