Paglilipat sa tanggapan ng gobyerno at pribadong establisimyento sa labas ng Metro Manila ang pinakamagandang solusyon para maibsan ang trapiko sa National Capital Region (NCR).

Sa Pandesal Forum kamakailan, ipinursige ni Arnel Paciano Casanova, pangulo at chief executive officer ng Bases Conversion and Development Authority, ang planong paglilipat sa mga tanggapan ng gobyerno at industriya sa Clark Green City (CGC) sa Clark Special Economic Zone.

Hinikayat din ni Casanova ang mga kandidato sa pagkapangulo na isama sa kanilang plataporma ang naturang programa.

“The respective platforms for next year’s elections will surely point to improving the lives of Filipinos. But if we truly wish to achieve quality of life, let us work toward easing the congestion in Metro Manila,” diin ni Casanova.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Our future national leaders need to initiate efforts to arrest urban decay, to resolve a host of perennial traffic and transportation challenges, and to develop another metropolis which is sustainable and disaster-resilient in the face of the global threat of climate change,” dagdag niya.

Binanggit ni Casanova na kaya ng CGC na tanggapin sa lugar ang nasa 1.2 milyong katao. (Mac Cabreros)