Nanawagan ang civil society group na Social Watch Philippines na maging alisto sa pagsubaybay sa paggastos ng gobyerno sa 2016 kasabay ng pag-aakusa sa administrasyong Aquino ng pagsiksik sa 2016 national budget ng malaking halaga ng pork barrel na maaaring gamitin para sa halalan.
“The 2016 General Appropriations Act (GAA) of P2.139 trillion which was recently signed by the President into law is loaded with pork and lump sum appropriations,” sabi ni dating national treasurer Leonor Magtolis Briones, SWS lead convenor sa isang press statement.
Sinabi ni Briones na kaduda-duda ang P67.5 billion sa unprogrammed funds at P408 billion sa special purpose funds sa P3.002-trillion budget.
Binanggit nitong halimbawa ang revisions at budgetary adjustments na:
P326-M dagdag sa farm-to-market road projects sa ilalim ng Department of Agriculture (P7.377-B mula P7.051-B sa National Expenditure Program o NEP);
P987.930-M dagdag sa Assistance to Indigent Patients sa ilalim ng Department of Health-Office of the Secretary (P 2.783-B mula P1.795-B sa NEP);
P2.54-B dagdag para sa Government Internship Program at Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged Workers Project sa ilalim ng Department of Labor and Employment-Office of the Secretary (P3.267-B mula sa P727.3-B sa NEP);
P403-M dagdag para sa Training for Work Scholarship Program sa ilalim ng DoLE-Technical Education and Skills Development Authority (P2.206-B mula P2.203-B sa NEP);
P1.248-B dagdag para sa Local Infrastructure Program sa ilalim ng Department of Public Works and Highways-Office of the Secretary (P19.813-B mula P18.566-B sa NEP);
P5.382-B dagdag para sa Protective Services Program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development-Office of Secretary (P6.698-B mula P1.315-B NEP);
P144-M dagdag para sa Tulong Dunong Program sa ilalim ng Commission on Higher Education (P1.130-B mula P986.231-M sa NEP);
P662.538-M dagdag para sa Financial Assistance to LGUs sa ilalim ng Local Government Support Fund in the Allocation to Local Government Units (P862.538-M mula P200-M sa NEP).
Tinaya ni Briones na halos P33.2-B ang napunta sa PDAF-like funds na ipinamahagi sa limang ahensiya.
(Ben Rosario)