May kabuuang 600 bag ng basura ang nakolekta mula sa Rizal Park matapos dumagsa roon ang mga tao upang doon ipagdiwang ang Pasko nitong Biyernes.

Ayon kay Rafael Razon, ng Rizal Park management, ang 500 bag ng basura ay nakolekta nila noong mismong Pasko.

Ang 100 pang bag ng basura ay nakolekta naman, aniya, kahapon ng 7:00 ng umaga ng may 30 tauhan na ipinakalat ng kanilang pamunuan upang magsagawa ng clean-up drive sa makasaysayang parke.

Marami naman aniyang mga basurahan sa loob ng liwasan ngunit hindi ito sapat dahil sa dami ng dumagsa sa lugar.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Maraming tao ang nagdiwang ng Pasko sa Rizal Park dahil maraming magagandang pasyalan dito, tulad ng Chinese Garden, Orchidarium, dancing fountain at iba pa.

Inaasahan namang mas marami pang tao ang mamamasyal sa Rizal Park sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa susunod na linggo. (Mary Ann Santiago)