Disyembre 26, 1805 nang lagdaan ang Treaty of Pressburg sa pagitan ng France at Austria sa Primate Palace sa Pressburg (ngayon ay Bratislava, Slovakia), dahil tinalo ng puwersa ng Austrian ang Ulm at Austerlitz skirmishes.

Ang France at Austria ay nirepresenta nina Napoleon Bonaparte at Holy Roman Emperor Francis II, ayon sa pagkakasunod.

Sa ilalim ng kasunduan, kinakailangang ihinto ng Austria ang pag-control sa lupain ng Venetian sa ilalim ng Treaty of Campo Formio sa kaharian ni Napoleon sa Italy; Vorarlberg, Tirol at iba pang maliliit na kalupaan sa Bavaria.

Inaprubahan ng Austria na ilagay ang Bavaria at Wurttemberg electors upang pagsunud-sunurin ang mga hari at mapalaya sila mula sa feudal ties. Bilang parusa, ipinagbawal na maimpluwensiyahan ng Austria ang Germany. Pinagbayad din ang Austria ng 40,000,000 gold francs.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon