Sinabi ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na nananatili ang pagkakaibigan nila ni Pangulong Aquino sa kabila nang pagkalas ng una sa Liberal Party (LP) sa kanyang pagsabak sa pagkasenador sa 2016 elections.

“President Aquino is a good friend and I continue to value his friendship and will always be supportive of him even outside the fringes of politics,” pahayag ni Tolentino.

Ito ang unang pagkakataon na magsalita ang dating MMDA chief tungkol sa kanyang relasyon sa Pangulo matapos siyang umalis sa LP.

Matatandaan na boluntaryong hiniling ni Tolentino sa liderato ng LP na alisin siya sa senatorial slate ng partido.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na ikinomisyon ng ABS-CBN, nakuha ni Tolentino ang ika-14 na puwesto sa hanay ng mga senatoriable sa 2016 elections.

“Ito ay tungkol sa pagiging masipag. Sa pagtatapos ng araw, kami ay huhusgahan sa aming magagandang nagawa para sa mga mamamayan,” aniya.

Kapag nahalal bilang miyembro ng Senado, tiniyak ni Tolentino na isusulong niya ang mga batas na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan, kaligtasan ng publiko at pagpapatibay ng mga batas sa disaster preparedness. -

Robert Requintina