BEIRUT (AFP) – Napatay ang leader ng mga rebeldeng Syrian na si Zahran Alloush sa air strike na inako ng rehimen nitong Biyernes, na inaasahan nang makaaapekto nang malaki sa halos limang taon nang pag-aaklas sa bansa at sa malabong prosesong pangkapayapaan.
Ilang oras makaraang mapatay si Alloush, 44, ang commander ng Jaish al-Islam (Army of Islam) movement, agad na inihalal ng mga pangunahing miyembro ng grupo si Abu Himam al-Buwaydani bilang bago nilang pinuno, sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights sa AFP.
Si Buwaydani ay isang 40-anyos na negosyante at mandirigma mula sa Douma na nagmula sa pamilyang may malalim na ugnayan sa Muslim Brotherhood, ayon kay Observatory Director Rami Abdel Rahman.